1st teaser ng bagong LizQuen film, viral agad

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

INILABAS na nitong Linggo ang unang teaser para sa inaabangang pelikula nina Liza Soberano at Enrique Gil, ang Alone/Together.

Ang preview clip ay in-upload ng Black Sheep, ang production company sa likod ng upcoming LizQuen film, sa kanilang Facebook page. Pinanood na ito nang mahigit 2.7 million times as of writing.

Ipinakita sa one and a half minute video kung paanong ang masaya at punum-punong pagmamahal ng mga karakter nina Liza at Enrique ay nauwi sa malayo at confuse na mga indibiduwal na tinatahak nang mag-isa ang kani-kanyang mundo.

“Alam mo, ‘di ko talaga alam kung ano nangyari,” sabi ni Liza sa dulo ng teaser.

Ang Alone/Together ay isinulat at idinirihe ni Antoinette Jadaone. Ipalalabas ang pelikula sa mga sinehan sa February 13.

Manila Bulletin Entertainment