WBC title, idedepensa ni Toyogon

Filed under Boxing Balita RSS RSS Feed

SASABAK sa isang matinding pagsubok si World Boxing Council (WBC) Asian Boxing Council silver super featherweight champion Al Toyogon sa gagawing pagtaya ng kanyang korona laban kay challenger Ryusei Ishii ng Japan sa D’Flash Ballroom ng Elorde Sports Center sa Sucat,  Parañaque sa Enero 26.

TOYOGON: Dangal ng Pilipino.

TOYOGON: Dangal ng Pilipino.

Si Toyogon, ang 20-year-old pride ng Gingoog City, Misamis Oriental, ay idedepensa ang kanyang korona na kanyang nasungkit laban sa kapwa Pilipino na si Nathan Bolcio ng Benguet nitong Hunyo 10.

Magsisimula ang bakbakan simula 5:00 ng hapon

Tinawag na  “Night of Champions XVI”, ang blockbuster boxing card na itinataguyod ng   Elorde International Promotions sa tulong ng PAGCOR at Cignal ay tatampukian din ng12-round title fight nina Ricardo Sueno at Diomel Diocos para sa  vacant WBC ABCO flyweight championship.

“This is another good night of boxing with  our very own Toyogon putting his title on the line against a worthy Japanese challenger,”  pahayag ng sikat na boxing promoter na si Gabriel “Bebot” Elorde.

Si Toyogon, mas kilala sa tawag na  “The Rock”,  ay may tangang ring record na 9 panalo, kabilang ang 6 na knockouts, laban sa 2 talo at 1 tabla. 

Nanalo sa kanyang debut si Toyogon sa pamamagitan ng  technical knockout victory lavan kay Rex Merceno noong Agosto  2015.

Wagi rin siya sa kanyang 4 na laban sa nakalipas na taon, kung saan pinataob niya sina Naotoshi Nakatani ng Japan nung Pebrero, at mga kababayang sina Jason Tinampay nitong Abril,  Germaine de la Rosa  nitong Hulyo at  Bolcio nitong Setyembre.

Ang kanyang 2 talo ay nalasap mula sa mga kamay nina Robin Dingcong noong 2016 at  John Ray Logatiman noong 2017.

Tangan naman ni Ishii ang record na 7-4-1 sa laban sa kapwa mga Hapones.