Anne at Marco, balik-tambalan sa pelikula

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NAKAKATUWA naman si Anne Curtis. Siya pa ang nag-announce na si Marco Gumabao ang leading man niya sa bagong pelikula niya sa Viva Films.

Marco at Anne copy

Matatandaang magkasama rin sila sa Aurora, at may slight love angle na sila sa nasabing 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry.

Sa bagong pelikula, sila na talaga ang magkatambal.

Ipinost ni Anne ang picture ni Marco habang hawak ang script.

“Annnnnd we found our leading man that is perfect for the role. Meet Jericho. Excited for you and to work with you @gumabaomarco. You got this!

“Workshop and meeting done with our director @jplaxamana. Here we gooooo! #JustAStranger starts filming next month.”

Sumagot si Marco sa post ni Anne: “Let’s do thiiiiis! @annecurtissmith.”

Sumagot din kaagad si Anne: “@gumabaomarco I know gagalingan mo!!! #NoPressure Excited for you!!!”

-NITZ MIRALLES