2 Pinoy boxer, natalo sa Las Vegas bouts

Filed under Boxing Balita RSS RSS Feed

Natalo ang dalawang Pinoy boxer sa puntos sa undercard ng depensa ni WBA welterweight champion Manny Pacquiao kay Adrien Broner kahapon sa MGM Grand, Las Vegas, Nevada sa United States.

Tinalo ng sparring partner ni Pacquiao na si George Kambosos, Jr. ng Australia ang tubong Zamboanga del Norte na si Rey Perez sa 8-round unanimous decision pawang sa mga iskor na 80-72 sa score cards ng mga Amerikanong hurado.

“All three judges – Tim Cheatham, Patricia Morse Jarman and Ricardo Ocasio – scored each of the eight rounds for Kambosos. He won by the same score, 80-72, on all of their scorecards,” ayon sa ulat ng BoxingScene.com.

“The 25-year-old Kambosos’s hand speed and accurate right hand was too much for Perez, who regularly paid for engaging Kambosos inside,” dagdag sa ulat. “Overall, however, Perez had difficulty fending off the accurate, active Kambosos and clearly lost.”

Nabigo rin si Philippine welterweight champion Jayar Inson sa 8-round split decision sa Amerikanong si Jonthan Steele.

Bumagsak si Inson sa 1st round at iyon ang ikinatalo niya kay Steele na pinaboran ng mga hurado ng Las Vegas sa iskor na 77-74 at 78-73 samantalang pumabor ang isang judge kay Inson sa iskor na 77-74.

-Gilbert Espeña