’10 months challenge’ lang kay Jo

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

HINDI nagpahuli ang lovable Onanay lead star na si Jo Berry sa viral ngayon na “10-year challenge” sa social media.

Sa kanyang recent post sa Instagram, ibinahagi ni Jo ang kanyang litrato na kuha sa loob ng GMA building.

Ayon kay Jo, kung ang iba ay picture nila 10 years ago ang ipino-post, very proud naman niyang ipinost ang photo niya 10 months ago, kung kailan siya nagsimula bilang Kapuso artist.

Ipinost niya ang photo niya nung dumalo siya para sa story conference ng Onanay 10 months ago. Very proud and happy siya dahil hanggang ngayon ay napapanood pa rin ito sa primetime, at patuloy na humahataw sa TV ratings.

Nagpasalamat din si Jo sa lahat ng tumulong sa kanyang journey bilang isang artista, lalo na sa kanyang fans at avid viewers ng drama series.

Samantala, lalong dapat tumutok sa top-rating series na Onanay simula sa Lunes dahil sa mas tumitinding mga tagpo at rebelasyon sa buhay ng mag-iinang Onay (Jo), Natalie (Kate Valdez), at Maila (Mikee Quintos).

-Mercy Lejarde