Zia Dantes, may sarili nang TVC

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NAGSIMULA nang mapanood ang sariling TV commercial ng 3-year old daughter nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na si Maria Letizia Rivera-Dantes na isang milk commercial milk, nitong Linggo.

Zia at Marian copy

Ang cute-cute ni Zia, lalo na do’n sa eksenang nakikiusap siya sa Mama Marian niya na makipaglaro sa kanyang aso: “Mama, pwede po?” Tuwang-tuwa ang abgets nang payagan siya ng Mama niya at kasunod nito ay pinainom na siya ng mama niya ng gatas.

Umani ng libu-libong likes at shares ang TVC na magkakaroon ng formal launch this weekend. ‘Yung formal launch ang akala ni Dingdong na date ng paglo-launch ng TVC kaya mali ang nasabi niyang date sa entertainment press na nakausap niya sa taping ng Cain at Abel last weekend.