Vice, Songhorse ni Songbird

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MAY title na ang three-night Valentine’s Day concert nina Regine Velasquez at Vice Ganda: The Songbird and The Songhorse.

Regine at Vice

Sa title pa lang sa side ni Vice, may punchline na, lalo na siguro sa concert mismo.

Sa Araneta Coliseum gaganapin ang concert sa February 14, 15, at 16, sa direksiyon ni Paolo Valenciano, na anak ni Gary Valenciano. Produced ito ng Star Events, ABS-CBN Events, at iME ni Cacai Mitra.

Maganda ang poster ng concert, parehong may suot na korona sina Regine at Vice, at isa sa mga nag-like sa nasabing Instagram post ni Vice ay si Dingdong Dantes.

Pansin namin, mas marami ang nag-like sa parehong post sa IG ni Vice kaysa kay Regine.

May kamahalan ang ticket, pero siguradong worth it naman!