Tiu, nakaungos kay Young sa blitz chess

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

NAKAUNGOS si Tarrasch Knight Chess Club (Guadalupe Mall) top player Sherwin Tiu kontra sa dating solo leader na si International Master Angelo Young, 1.5-0.5, sa final round para makopo ang titulo sa katatapos na Fide Master Camilo Pangan Birthday Chess Invitational Tournament na ginanap sa Panciteria ni Tess, (Old Bus Terminal) Lane 12 sa Araneta Center sa Cubao Quezon City.

Nabigo si Young, eight-time Illinois USA champion, kay Tiu sa top borad match sa final canto matapos makaangat ng kalahating puntos sa penultimate round.

Dahil sa natamong tagumpay, nakamit ni Tiu ang 12.5 puntos para maibulsa ang P1,000 top purse para sa kanyang effort sa one-day event na sinuportahan ni US based Fide Master Camilo Pangan na nagdiwang ng kanyang 60th birthday at nagsilbing punong abala si Tess Caubat.

Nabigo naman si National Master at United States chess master Almario Marlon Bernardino Jr. na makahabol kay Tiu sa titulo matapos mapuwersa sa 1-all deadlock kontra kay seven-time Philippine executive champion Dr. Jenny Mayor.

Matapos talunin si Mayor sa kanilang first match, nakakuha agad ng isang piyon si Bernardino sa opening sa kanyang second match kay Mayor. Subalit hindi nagpatinag si Mayor sa middle game matapos ang brilliant knight sacrifice para mapuwersa si Bernardino mag resign sa kanilang Closed Sicilian skimirsh.

Tumapos si Bernardino ng overall 5th place na may 11.5 points