Sagutan nina Kris at Nicko, palabo nang palabo

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ITO ang tingin naming nangyayari sa sagutan nina Kris Aquino at ang dating managing director ng KCAP na si Nicko Falcis na idinemanda niya ng 44 counts of qualified theft.

Kris copy

Base sa mga nababasa naming posts ni Nicko, hindi niya sinasagot ang hinihingi ni Kris na accounting report ng P40M na in-invest sa Potato Corner Plus Nacho Bimby.

Ipinagkatiwala ng CEO at Presidente ng KCAP ang P40M kay Nicko, ang halagang nanggaling sa trust fund nina Joshua at Bimby, hoping na mapapalago pa ito, pero hanggang ngayon ay wala pang report na isinusumite ang huli.

Sumagot ang kapatid ni Nicko na si Atty. Jesus Falcis tungkol sa sinasabing investment.

Aniya, “Ang investment, hindi naman niya basta-basta ma-pull out. Ang investment, makikita mo naman kung na-invest talaga. Paano mo malalaman kung na-invest talaga?

“May physical store or may physical product. Ilang branches ang Nacho Bimby? Ilang mga or profitability per month nu’ng mga businesses nila together? Alam niya ‘yun.

“Walang nawala sa investment niya. Ang investment niya, nasa totoong buhay. Pumunta siya sa Promenade (Greenhills) Nacho Bimby, pumunta siya sa Gateway (Mall, Cubao), pumunta siya sa Robinsons Magnolia (Quezon City). Andun ang Nacho Bimby, puntahan niya. Makialam siya sa business.”

Nakakaaliw ang sagot na ito ni Atty. Jesus dahil hindi naman pinu-pull out ni Kris ang P40M investment, ang hinihingi niya ay accounting report kung kumita o hindi.

Hindi naman din kinukuwestiyon kung may physical store at bakit kailangan ni Kris ang pumunta sa mga nabanggit na stall para magtanong kung kumita, e, responsibility nga iyon ni Nicko, ‘di ba?

Inililigaw ba ng Falcis brothers ang isyu? Ang bagong isyu naman ay tungkol sa pagpondo ni Kris para sa boosting ng anti-Duterte bloggers at isa na rito si Pinoy Ako Blog o PAB Jover Laurio.

Ang sagot ni Kris, “In case burahin: airport bound, @stevearaq the unvarnished truth: I gave Nicko money to boost, with zero knowledge of my brother, when my brother went to Congress to protect him from all trolls.

“Why? Para makabawi. Because I was negotiating several contracts and didn’t want to go with him to the Sandiganbayan. I lacked courage to stand with him. I knew ayaw niya ‘yun (social media campaigns, he is an idealist) so palihim kong ginawa. That’s why my brother had never met Nicko.

“My instructions to Nicko were always clear—kaibigan ko si Bong Go, hindi ko kaaway ang mga Duterte, never attack the Duterte family especially Kitty, wala akong issue sa Marcos children, katuwang ko si Bongbong sa kasal ni Toni & Paul (Soriano), law firm ni Liza Marcos ang nag-handle at nagpapanalo ng annulment ko.

“Now with all the issues –siyempre ang hinala ko baka nabulsa din ‘yung pondo. I have zero political aspirations so this is the 1st & last I shall address this. Tantanan na ko – I’m also impossible dreamer I dream of becoming an Oprah not a Trump.”

Ang nakakapagtaka, nasagot na pala ito pero bakit paulit-ulit na inilalabas? Ang tanong ulit kay Nicko, nasaan na ang accounting report ng P40M investment sa Potato Corner Plus Nacho Bimby? Walang sinabi si Kris na ipu-pull out niya ang nasabing halaga.

-REGGEE BONOAN