Pangarap na degree ni Yasmien, abot-kamay na

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NAGKAROON ng familiarity workshop ang cast ng bagong Afternoon Prime ng GMA-7 na Hiram Na Anak bago simulan ni Direk Gil Tejada ang taping. Kahit nga naman magkakakilala at magkakaibigan ang cast, maganda pa rin kung dadaan sila sa familiarity workshop para mas makilala pa ang isa’t isa.

Dion at Yasmien copy

Balik-tambalan dito sina Yasmien Kurdi at Dion Ignacio, kasama sina Lauren Young, Mae Bautista, Leanne Bautista at Paolo Contis. Sa title pa lang, alam na kung ano ang story ng bagong soap. Sa February na ang airing ng Hiram Na Anak, hindi pa lang in-announce kung aling serye ang papalitan nito.

Nakakatuwa si Yasmien dahil kahit hirap sa schedule, pilit niyang isinasabay sa showbiz ang pag-aaral. Hindi lang kami sure kung nag-graduate siya ng nursing, pero nag-enroll siya nito at ngayon, sa Arellano University siya nag-aaral (hindi namin naitanong ng kurso niya), at malapit nang mag-graduate.

“Sa tinagal-tagal ko sa kolehiyo, sa lahat ng hirap, puyat na pinagdaanan ko sa buhay para lang makapag-aral habang nagtatrabaho para itaguyod ang aking pamilya, sa dami ng nakuha kong units sa mga kurso na parang nakapag-masteral na ‘ko, lol! Finally, malapit na ‘ko gumradweyt!

“Sobrang excited na talaga ako ‘pag naiisip ko na malapit na ‘ko magmartsa at matutupad na ang matagal nang pinapangrap ko at ng aking nanay. Mama, malapit na pooo, pasensiya na at na-late ako… #sanahindiakohumagulgolsagraduation.”

-Nitz Miralles