Lito, Mark, Jhong at Edu, babu na sa ‘Ang Probinsyano’

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NABANGGIT ng Dreamscape Entertainment head na si Deo T. Endrinal na maraming mawawala sa cast ng FPJ’s Ang Probinsyano dahil kakandidato sila tulad nina Lito Lapid, Mark Lapid, Jhong Hilario at Edu Manzano.

Edu, Mark, Lito, Jhong

Pagkatapos ng solo presscon ni Angel Locsin para sa The General’s Daughter ay natanong ang Dreamscape head kung anong mangyayari sa mga nabanggit cast, mamamatay ba ang karakter nila sa serye?

Kinumpirma ito ni DTE (tawag kay Deo) dahil nga hindi naman sigurado kung makakabalik sila pagkatapos ng eleksyon.

Sa loob ng mahigit tatlong taong pamamayagpag ng FPJAP ay tinanong namin kung hanggang kailan ito eere dahil balita namin ay extended na naman.

“Safe sabihing baka after election,” kaswal na sagot ng TV executive.

May nagsabi naman na hangga’t pinapasok ng advertisers at maganda ang ratings ay hindi ito tatapusin dahil marami pang kuwento ang puwedeng talakayin sa Ang Probinsyano.

Dahil maraming mawawala, tiyak na marami na namang ipapasok si Coco bilang creative at direktor ng sariling programa.

-Reggee Bonoan