Angelica at Carlo, ‘di totoong nagkabalikan

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

WALANG balikang nangyari kina Angelica Panganiban at Carlo Aquino, base ito sa kuwento ng aming reliable source.

Angelica at Carlo

Akala ng lahat ay may balikan blues ang dalawa base sa ipinost ni Angelica sa kanyang Instagram (IG) na kasama ng pamilya niya si Carlo nitong Pasko at may caption na, “nahanap ko na ang nawawala.”

Kuwento ng aming source, “mahal nila ang isa’t isa pero ayaw nilang magkabalikan dahil natatakot sila pareho na magkasakitan ulit sila. Kaya okay na sila sa ganyang relasyon.”

Duda namin ay may kinalaman ito sa bashers ni Angelica na kesyo dehado raw si Carlo sa relasyon nila. Kaya ang ending, in-unfollow na ng aktres ang aktor sa IG.

Naguguluhan din kami sa sitwasyon ng dalawa.

Sana ay maging okay na sila, sayang naman ang karakter nilang Patty at Harold sa seryeng Playhouse dahil marami silang pinakikilig kaya nga umaasa ang lahat na ‘sila na ulit’.

-Reggee Bonoan