San Pablo bridge, gumuho

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

SAN PABLO CITY, Laguna – Gumuho ang isang tulay matapos daanan ng isang truck na may kargang buhangin sa San Pablo City, Laguna, kahapon ng umaga.

Tinukoy ni SPO1 Jessie Salado, may hawak ng kaso ng San Pablo City Police, ang Sta. Ana bridge sa Maunod River na nasa Purok 7, Bgy. Sta. Ana sa nasabing lungsod.

Sa ulat ni Salado, binanggit na habang dumadaan ang nasabing truck na minamaneho ni Jay-Ar Joson ng Doña Remedios Trinidad, Bulacan, sa nasabing tulay ay bigla ito gumuho.

Hindi pa rin natatanggal ang naturang truck sa nabanggit na tulay.

Ayon pa kay Salado, hindi nakayanan ng tulay ang bigat ng truck na nagresulta sa pagbagsak nito.

-Danny Estacio