Negosyante, utas sa 2 holdaper

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

STA. MARIA, Pangasinan – Isang negosyante ang napaslang nang pagbabarilin ng dalawang holdaper na tumangay sa kanyang P150, 000 sa Barangay San Vicente, Sta. Maria, Pangasinan, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa Sta. Maria Police, dead on the spot ang biktimang kinilalang si Crispin Antane, 52, ng Bgy. San Vicente, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tumakas naman agad ang dalawang suspek matapos isagawa ang krimen.

Naiulat na pauwi na ang biktima, bitbit ang nasabing pera nang harangin ng dalawang suspek na armado ng baril, dakong 6:15 ng gabi.

Tinukan ng baril ang biktima kasabay ng pagdedeklara ng panghoholdap ng dalawang suspek.

-Liezle Basa Iñigo