Ipinapakita ng survey ang nangungunang mga pangalan sa Senate polls

Filed under Editoryal Balita RSS RSS Feed

LUMABAS sa pinakabagong resulta ng Pulse Asia survey ang dating mga pamilyar na pangalan na nangunguna sa listahan—ang mga reelectionist Senators na sina Grace Poe (75.6%), Cynthia Villar (66.6%) at Sonny Angara (58.5%); kasunod ng dating Senador na si Pia Cayetano (55.4%) at Mark Lapid (49.8%); na sinundan naman nina reelectionist Nancy Binay (46.7%) at Aqulino Pimentel III (45.5%); at dating senador Serge Osmena (38.8%).

Pasok din sa top 16 sina dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr. (37.6%), Ilocos Norte Gov. Imee Marcos (36.7%), dating senador Jose “Jinggoy” Estrada (36.3%), dating PNP chief Ronald de la Rosa (35.7%), dating Interior Secretary Manuel Roxas II (35.0%), reelectionists JV Ejercito Estrada (33.6%) at Paolo “Bam” Aquino (32.6%) at dating Presidential aide Lawrence “Bong” Go (29.7%).

Ihahalal sa midterm election sa Mayo 13, 2019, ang 12 senador, ang kalahati ng mga miyembro ng Senado. Inaasahan nang manggagaling sa top 16 ng nabanggit na survey ang mga mananalo, ngunit sa mga kaso ng eleksiyon maaaring matanggal ang ilan sa mga ito at maaaring makaapekto sa standing ang mga kaganapan sa susunod na tatlong buwan, kaya naman nananatiling may pag-asa pa ang mga nasa ilalim ng top 16 sa survey.

Malinaw na hindi pa nakatutulong nang malaki ang mga pulitikal na partido sa ating eleksiyon. Nagwagi si Senadora Poe bilang independiyente noong 2013 at nasa tiket ng administrasyon at oposisyon noong 2016. Si Villar ay bahagi ng Nacionalista party at si Angara ay nasa Laban ng Demokratikong Pilipino, kapwa minoryang partido. Ang kasalukuyang mayoryang partido, na PDP-Laban, ay may isa lamang kandidato na pumasok sa top 8 ng pinakabagong SWS survey—si Pimentel; at ang dalawa sa top 16—sina Dela Rosa at Go. Habang ang mayoryang partido Liberal ng dating administrasyon ay mayroon lamang Roxas.

Ang mga indibidual na katangian at record ng mga kandidato ang nagbibigay ng malaking tulong sa mga halalang ito. Nagsimula si Senadora Poe bilang anak na babae ng sikat na aktor sa mga pelikula na si Fernando Poe, Jr. at pinatibay ng kanyang pagsusulong ng mga suliraning malapit sa puso ng masa, katulad ng kalusugan at kapaligiran, edukasyon para sa mga katutubo, at ang mahirap na pagbiyahe sa Metro Manila.

Bukod sa top 16 na nasa survey, may iba pang 54 na nagdeklara ng pagkandidato sa Senado at dalawa sa mga ito ang kilala—sina Francis Tolentino at Juan Ponce Enrile. Suportado si Tolentino ni Pangulong Duterte habang si Enrile ay may mahaba at mayamang record bilang bahagi ng kasaysayang pulitikal ng bansa.

Patuloy nating tututukan ang nalalapit na 12-linggo kampanya para sa Senado at ang mga party-list, na magsisimula sa Pebrero 12. Ang anim na linggong kampanya para sa mga lokal na posisyon ay magsisimula naman sa Marso 30, at inaasahang lilikha ng matinding interes sa mga lokal na komunidad, ngunit ang pambansang kampanya para sa mga senador ay magkakaroon ng malaking pambansang halaga, lalo’t pipiliin dito ang mga lider, na ang magiging desisyon ay direktang makaaapekto sa pambansang interes.

  • Charli Ambricio

    deserve naman ni senator poe ang manguna sa pulse asia survey dahil karapat dapat lang sya na manguna sa ating bansa

  • Jessa Impo

    wow congrats po senator grace poe ibig sabihin po nyan malaki po talaga ang maiiambag nyo sa ating bansa kaya sinuportahan po kayo ng ating mga kababayan

  • Nerisa Lazarte

    sana magtuloy tuloy na ang magandang balita kay senator poe dahil buong bansa pala ang nakatutok sayo

  • Trisha Alegre

    good job po senator poe ibig sabihin lang po nyan ay maraming nagmamahal at sumusuporta sayo saludo po kami sayo senator poe

  • Karen Abila

    ang galing naman ni senator poe katunayan lang po yan na maganda ang mga nagagawa mo sa ating bansa at sa pagiging matulungin mo po

  • Gary David

    walang pagaalinlangan na si sen.poe talaga ang nangunguna sa mga survey dahil sa kanyan mga nagawa para sa bayan.

  • Dina almaz

    si sen poe walang ibang inisip kundi kapakanan ng mga tao kaya walang pag aalinlangan ka naming susuportahan sa darating na halalan

  • Danilo Ocampo

    walang sawang maglingkod sa bayan sa lahat ng oras.kaya sa survey siya ang number 1.

  • Jhon Regalado

    isa sa mga patunay ng magaling kang senadora, survey pa lang yan hanggan eleksyon kaw pa din mangunguna panigurado yan

  • Babylyn Corpuz

    sen grace poe pa din para mapagpatuloy ang pagsusulong ng mga karapatang pantao

  • Alvin Jose

    masaya kami dahil nasa number one ang aming pambato na si sen.poe,ipagpatuloy po ninyo yan sen.poe.

  • Dennis Vergara

    magalig talaga si sen poe lahat ng plataporma nya puro nakakatulong sa mga tao kaya ndi nakakasawang iboto at suportahan

  • Salome Bautista

    deserve mo lahat ng tinatamasa mo ngayon sen poe pagpapasalamat yam ng mga tao sa naitulong mo sa kanila

  • Jerry Duran

    nasa iyo ang tunay na pagbabago at pagbangon ni pilipinas sen.poe,kaya nagtititwala kami sayo,tulad ng pagtitiwala namin sa iyong ama dati,

  • Kiko Alulod

    hindi matatawaran ang mga nagawa mo sa bansa at sa kapwa mo pilipino sen.poe,nakikita namin ang lahat ng ito,kaya hindi ka namin iiwan,kasama mo kami hanggang dulo sen.poe.

  • Victor Angelo

    masaya kami sa nagiging resulta ng lahat para kay Sen Grace Poe,ginagawa nya kasi ang lahat ng kanyang makakaya para mag silbi sa bansa.

  • kimBERLY

    kitang kita naman kasi ang kabutihan ng puso ni senator poe,kaya marami ang nag mamahal sakanya.

  • Kevin Burgos

    hindi naman maipag kakaila ang kagalingan ng isang GRACE POE.

  • Nestor Alcazar

    marami kaming may gusto kay Sen Grace dahil marami na syang napa tunayan sa ating bansa.

  • Greg Lazaro

    Nakikita namin ang tunay na hangarin ng sen poe para sa taong bayan kaya naman marami ang nakasuporta sa knya

  • jezza mae

    marami kaming naniniwala sayo senator grace,pagpa tuloy mo lang ang magandang hangarin mo sa bansa.

  • lorie

    Ako senator poe malaki po tiwala ko sa kakayahan mo na makakapagpaunlad ng bansa

  • Alea Roman

    Marami na ring napatunayan si sen poe sa pagsisilbi sa bayan humaharang man sya un ay dahil may mga mali sa nqkikita nya , kaya sen poe lang ang boto ko

  • Charrie David

    Kahit anong naririnig ko sen poe laban s iyo ay hibdi kmi naniniwala dahil alam nming matino kaa at may puso sa baway tao kaya ikaw lang ang sen ko na no.1

  • Leo Cruz

    Ikaw lang ang may kakayahang sumalungat sa lahat dahil alam mo kung ano ang ipinaglalaban mo sen poe kaya idolo talaga kita …