2 kelot, utas sa checkpoint

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Patay ang dalawang lalaki nang makaengkuwentro ang mga awtoridad na nagbabantay sa isang checkpoint sa San Jose Del Monte City, Bulacan, kahapon.

Nilinaw ni Police Supt. Orlando Castil, hepe ng San Jose Del Monte Police, sakay ng motorsiklo ang dalawang suspek.

Tinakbuhan umano ng mga ito ang checkpoint kaya hinabol sila ng mga pulis.

Depensa ni Castil, pinaputukan sila ng mga suspek nang tangkain nilang pahintuin sa isang checkpoint na nagresulta sa sagupaan.

Binawian ng buhay sa pinangyarihan ng insidente ang dalawa dahil sa mga tama ng bala.

Hindi pa rin nakikilala ng mga awtoridad ang dalawang suspek.

-Fer Taboy