Yawyan Romblon fighters sa Nat’l try-outs

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

PUSPUSAN ang pagsasanay ng mga pambato ng Yawyan Romblon na sina Dexter Fajilan Faeldonia at Kenneth Fortu Foja sa nalalapit na pagsagupa sa National Kickboxing Try-out na gaganapin ngayong Pebrero 2019.

YAWYAW Romblon team.

YAWYAW Romblon team.

Ang mapipiling fighters ay makakasali sa qualifying tournament at may pagkakataong makapaglaro sa 30th Southeast Asian Games sa November 30 hanggang Disyembre 11, 2019 na gaganapin dito sa Pilipinas na kung saan kasali ang kickboxing sa mga sports na napili sa ilalim ng category 3 #9.

Ang kickboxing ay kauna-unahang masisilayan sa SEA Games ngayong edisyon, na naging bagong kaakibat na laro ng National Sports Association, sa ilalim ng WAKO Asia (World Association of Kickboxing Organization).

Ang dalawang pambato ng Yawyan Romblon ay nasa ilalim ng pagsasanay ni Maestro Bobby Flores, at mga guro na sina Ernie at Gary Faeldonia na nasa kalinga ni Maestro Gene Del Rosario ng Yawyan Roskalyon Aklan Chapter.

Matatandaang pinalaganap ni Grandmaster Napoleon A. Fernandez ang Yawyan na isang uri ng Filipino Martial Arts noong 1972, at nagkaroon ng sangay sa ibat ibang panig ng Pilipinas, at maging sa ibang bansa. Isa sa mangangasiwa ng kickboxing tryout ay isa ring Yawyan na si Maestro Rennie S. Ross, multi-awarded Martial Artist Hall of Famer, ang founder ng Yawyan Kampilan.