Shippers ng BoBrey, parami nang parami

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ISINABAY sa 3rd death anniversary ni German Moreno ang pagpirma ni Ken Chan ng kontrata sa GMA Music. Ipinost ni Ken sa social media ang kanyang contract signing at madamdamin ang caption nito.

Ken at Rita copy

“Today, January 8, 2019, is a day that marks two special moments for me, the 3rd anniversary of Kuya Germs passing and my contract signing with GMA Music. While the former contrasts the latter in sentiment, these two memories hold great meaning to me and will stay with me forever.”Sa interview kay Ken ay sobrang saya niya dahil matagal na niyang pangarap na mapasama sa talent ng GMA Music. Dagdag pa nito, maganda ang pasok ng 2019 sa kanya dahil magiging recording star na siya at top-rating ang Afternoon Prime series niyang My Special Tatay.

Nag-klik din sa viewers ng My Special Tatay ang tambalan nila ni Rita Daniela na gumaganap sa role ni Aubrey, asawa ng karakter niyang si Boyet. May nagwi-wish pa nga na sana ay maging totoo na ang tambalan ng dalawa.

Tungkol pa rin kina Ken at Rita, nailabas na ang duet song nilang may titulong Almusal. Available for downloading and streaming na ang single simula January 15.

Samantala, may request din na isama sa album ni Ken ang duet nila ni Rita para may napapakinggan ang shippers ng BoBrey o Boyet and Aubrey.

-Nitz Miralles