‘Kara Mia’, santambak na ang memes

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

HINDI pa man nagsisimulang umere sa Kapuso primetime, mainit nang pinag-uusapan ang upcoming serye nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz na Kara Mia.

Mika at Barbie

Kuwento ito ng magkapatid na Kara (Barbie) at Mia (Mika) na isinilang na may Disprosopus or craniofacial duplication, isang congenital defect kung saan mayroon silang dalawang mukha pero mayroon lang iisang katawan.

Sa katunayan, iba’t ibang memes na nga ang nagkalat ngayon online tungkol sa serye.

Maging si Mika ay naintriga sa concept ng kanyang bagong show sa GMA.

“Well, sa totoo lang nakakaintriga naman kasi talaga and it also took us awhile to get used to the idea. We found it quite creepy also at first but when you go deeper into the story, dun mo maa-appreciate, eh. It’s special, it’s unique at naniniwala akong makikita din nila (viewers) ‘yun.”

Kaya naman todo-abang na ang fans sa nalalapit na pagsisimula ng Kara Mia, kung saan makakapareha nina Barbie at Mika sina Jak Roberto at Paul Salas.

-MERCY LEJARDE