Status ng CarGel, wala pa ring linaw

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

HINDI na pinalampas ni Angelica Panganiban ang basher kaugnay ng balitang hiwalay na naman sila ni Carlo Aquino.

Sinabihan ng basher ang aktres na huwag daanin sa lahat sa social media ang nangyayari sa kanila ng aktor, dahil dehado ang huli dahil sa pananahimik nito.

Sinabihan pa ng basher si Angelica na “act your age”.

Nag-sorry naman si Angelica sa “lahat ng na-offend ko”. Nangako rin siyang “from now on, hindi na ‘ko magsasalita” at lalayuan na rin daw niya si Carlo—na in-unfollow na niya sa Instagram.

Dumagsa ang comments sa nasabing sagutan ni Angelica at ng basher, at kabilang sa 2,830 comments ang sa aktres na si Agot Isidro.

“Isa lang ang sagot dyan, Mars, ‘Hu yu?’,” komento ni Agot.

Ang tanong, bakit nagagalit ang basher? Umamin na bang nagkabalikan nga sina Angelica at Carlo? Wala naman silang sinasabi, maliban noong Christmas, nang bisita ni Angelica at ng family niya si Carlo for dinner.

Matatandaang umugong ang balikan ng dating magkasintahan habang ginagawa nila ang tagumpay na reunion movie nilang Exes Baggage last year.

-NORA V. CALDERON