So-so actor, ipinilit sa movie ng kilalang producer

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MASYADONG malaki ang tiwala ng kilalang movie at television producer sa isang aktor dahil ipinagsiksikan niya ito sa isang movie project na gagawin ng isang premyadong direktor sa ibang bansa.

Matagal nang kinomisyon ng movie at television producer ang premyadong direktor na gumawa ng pelikula sa kanila, at dahil may choice naman ang nasabing direktor kung sino ang gusto niyang cast ay nagsabi siya. Pero nagkaproblema kaya naantalang simulan ang pelikula.

Okay na ang lahat ng cast at handa na nga silang lumipad patungo sa nasabing bansa, pero nagbago ang isip ng kilalang movie at television producer dahil pinapalitan niya ang leading man.

Ang sabi ng kilalang producer sa buong production: “Si (aktor) o walang pelikula?”

Siyempre natigalgal ang lahat at wala silang choice kundi sundin ang kilalang producer, dahil siya naman ang sasagot ng lahat.

Iisa ang panalangin ng buong production, sana ay magampanan nang maayos ng aktor ang karakter niyang challenging, ayon mismo sa nakausap naming kasama sa pelikula.

Marami nang nagawang pelikula ang aktor, pero sa isa lang sa mga ito ang nagmarka at hindi na naulit, kaya duda ang taga-production sa kakayahan niya, dahil hindi nga siya kagalingang umarte.

Tinanong namin kung ano ang reaksiyon ng premyadong direktor. “Eh, ‘di wala siyang magawa, kaysa wala kaming trabaho?”

Oo nga naman!

-Reggee Bonoan