Miss Universe 2017 Demi-Leigh, engaged na

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Yes. Ikakasal na si Miss Universe 2017 Demi Leigh Nel-Peters ilang linggo ang nakalipas matapos niyang ipasa ang korona kay Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Tim at Demi Leigh

Tim at Demi Leigh

SHE said “Yes.”
Engaged na si 2017 Miss Universe Demi-Leigh Nel-Peters sa kanyang kasintahan na si Tim Tebow.
Sa ulat ng Yahoo, inihayag ni Tim ang engagement niya kay Demi sa Instagram nitong Huwebes.
Ibinahagi ng 31-anyos na Heisman Trophy winner, ang mga larawan niya habang nakaluhod at kasama si Demi suot ang engagement ring, na nangyari nitong Miyerkules sa farm ng kanyang pamilya sa Jacksonville, Florida.
Pinagplanuhang mabuti ni Tim ang kanyang proposal, na ang lahat ng detalye ay ibinahagi niya sa People. Lingid sa kaalaman ng beauty queen, lumipad ang kanyang pamilya at ilang kaibigan mula sa South Africa para matunghayan ang kanyang engagement.
Pinili ng dating NFL quarterback ang spot sa farm para sa kanyang proposal at nagpatayo pa ng bench kung saan nakaukit ang petsa kung kailan sila nagkakilala.
Matapos ang ilang minutong pag-uusap tungkol sa kanilang relasyon, inilabas ng baseball player ang 7.25-carat diamond solitaire ring, lumuhod at tinanong ang 23-anyos na beauty queen.
Kasabay ng pagbanggit ng “Yes” ni Demi, sorpresang lumabas ang kanyang pamilya at ang South African singer na si Matthew Mole, na kinantahan ang newly-engaged couple ng The Wedding Song.
Nagkakilala ang magkasintahan noong nakaraang taon sa pamamagitan ng Night to Shine, na bahagi ng non-profit na Tim Tebow Foundation ng atleta.