Jr. Archers, nginata ng Bullpups

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

NAISALPAK ni Kier Napolitano ang pahirapang goal para sandigan ang National University sa 1-0 panalo kontra De La Salle-Zobel para makopo ang liderato sa UAAP Season 81 juniors football tournament kamakailan sa FEU-Diliman pitch.

Nakolekta ni Napolitano ang ikatlong goal ngayong season para pangunahan ang matikas na kampanya ng Bullpups sa pagsisimula ng second round. Nakopo ng NU ang ikatlong panalo, habang nanatiling bokya ang Junior Archers.

Tangan ang 11 puntos, angat ang NU sa defending champion Far Eastern University-Diliman, nabigyan ng bye sa second round.

Sa iba pang laro, tabla ang Ateneo at University of Santo Tomas, 1-1, para maghati ng puntos.

Umiskor si Jethro Noel Paraso sa ika-78 minuto para sa Blue Eaglets, bago nakaiskor ang Tiger Cubs mula kay Kyler Ken Escobar.

Hawak ng Ateneo ang walong puntos para sa ikatlong puwesto, gabang may apat na puntos ang UST.