Heart, sali sa ‘Crazy Rich Asian’ sequel?

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NASA China ngayon si Heart Evangelista, at marami ang nagtatanong kung ang pagpunta niya sa China ay para sa shooting ng sequel ng Crazy Rich Asians na China Rich Girlfriend movie, na mula pa rin sa libro ni Kevin Kwan.

Heart

Kaya lang, hindi sinasagot ni Heart ang mga tanong ng netizens, maging ng mga kaibigan niya sa showbiz, kung totoo nga na gagawin niya ang Crazy Rich Asian sequel. Inunahan na nga ang announcement ni Heart at ng mga producer ng movie kung totoong kasama nga siya sa pelikula, dahil ang netizens na ang nag-announce n a k u n g makakasama nga si Heart sa cast ng movie ay posibleng gampanan niya ang role ni Colette Bing.

Mukhang Colette raw kasi si Heart, at babagay sa kanya kung ‘yun ang ibibigay na role at karakter sa kanya. Bagay din daw kay Heart ang mapasama sa cast ng movie dahil bukod sa Chinese mestiza ang aktres, legit na rich Asian siya, dahil mayaman na siya kahit wala pa man siya sa showbiz.

Caption lang ni Heart sa kanyang post: “Wherever I am in the world, my love for coffee will never change. Enjoying the chilly weather here in China. Time to mentally prepare myself for the busy days ahead!”

Nauna rito, nag-post si Heart na nasa eroplano siya, at parang may clue na ang kanyang followers kung anong “adventure” ang sinasabi ng aktres.

“As I looked out my window today, I felt an overwhelming sense of gratitude. Here I am about to embark on an adventure like no other and I couldn’t be more excited.”

-Nitz Miralles