Broner, may sariling gimik sa LA

Filed under Boxing Balita RSS RSS Feed

LOS ANGELES – Maging sa gimik at pakikisalamuha sa fans at media, nakikipagsabayan si American Adrien Broner kay Manny Pacquiao.

ISINUSUOT ng mga trainor mula sa Team Pacquiao ang gloves kay Manny Pacquiao para sa open workout ng eight-division world champion sa Wild Card gym.  (MP PROMOTION)

ISINUSUOT ng mga trainor mula sa Team Pacquiao ang gloves kay Manny Pacquiao para sa open workout ng eight-division world champion sa Wild Card gym.
(MP PROMOTION)

Imbes na maging palamuti lamang sa Pinoy eight-division world champion, malakas ang dating ni Broner sa Wild Card Boxing Club sa Hollywood matapos magpatawag ng hiwalay na media day sa karatig na venue.

“What they was trying to do to me, they don’t got to do for me,” pahayag ni Broner, susubok sa lakas ni Pacquiao sa kanilang World Boxing Association welterweight title fight sa Enero 19 sa MGM Grand sa Las Vegas.

Naunang nagpalabas ng anunsyo ang promoter para sa media na magkakaroon ng magkahiwalay na open workouts ang magkaribal.

Ngunit, ninais ni Broner na kunin ang atensyon ng media.

Ginawa ni Pacquiao ang open workout ganap na 1:00 ng hapon ng Huwebes (Biyernes sa Manila) sa pangangasiwa ni hall-of-famer Freddie Roach.

Matapos ang maiksing Q&A at light training, umalis ang media para bumiyahe ng 12 milya para saksihan ang solong media day ni Broner sa Ten Goose Gym kung saan nagbitiw ito ng mga pananalita para pabagsakin si Pacquaio.

“I have enough star power to say, ‘Hey I am doing my own media day.’ If they do this with another fighter, everybody would have showed up. But not with me,” ayon sa 29-anyos na pambato ng Cincinnati.

Aniya, isa siyang ganap na alamat sakaling magapi si Pacman sa 147-lbs match.

“He slipped a few times and he didn’t get up. But he knows his boxing. I am pretty sure he is training and he’s got goals but I am here to fuck his plans up,” aniya.

Isang four-division titleholder si Broner at nagsanay sa West Palm Beach sa Florida.

Iginiit naman ni Leonard Ellerbe, bahagi ng promosyon sa laban nina Pacquiao at Floyd Mayweather, na hindi basta-bastang challenger si Broner.

“He is 100 percent focused and he is ready, he had a terrific camp,” ayon kay Ellerbe.

-Nick Giongco