Batang Pinoy sa Davao, Isabela at Iloilo

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

ILALARGA ang 2019 Batang Pinoy sa Davao del Norte, Isabela at Iloilo para sa Mindanao, Luzon at Visayas legs ng premyadong grassroots sports program ng pamahalaan.

Senelyuhan ang kaganapan sa nilagdaang memorandum-of-agreement (MOA) ng Philippine Sports Commission kahapon.

Pinangunahan ni PSC Chairman William Ramirez ang programa, kasama sina Davao del Norte Governor Antonio del Rosario, Ilagan, Isabela Mayor Evelyn Diaz, Iloilo City Mayor Jose Espinosa III at Iloilo Provincial Governor Arthur Defensor, Sr. sa PSC Press Conference Room sa Rizal Memorial Sports Complex, Manila.

“We are sealing this partnership with our host LGUs to ensure mutual cooperation and achieve a successful staging of Batang Pinoy from Mindanao, Visayas and to Luzon,” pahayag ni Ramirez.

Sisimulan ang torneo para sa kabataan na may edad 15 pababa sa

Mindanao leg sa February 2-9 sa Tagum City, Davao del Norte, kasunod ang Iloilo leg sa February 23 hanggang March 2 at Luzon stage sa Marso 16 -23 sa Ilagan, Isabela.

Ayon kay Ramirez, binago ang iskedyul ng mga torneo upang makaiwas sa masamang panahon na naranasan ng mga atleta sa nakalipas na edisyon.

Naging co-host ang Baguio City at Benguet Province sa national championships ng Batang Pinoy sa nakalipas na taon