NU vs Ateneo sa UAAP Jrs.

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

NAKATAKDANG harapin ng National University ang defending champion Ateneo de Manila sa nakatakdang 4-game bill sa pagbubukas ng second round ng UAAP Season 81 juniors basketball tournament sa Sabado sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Tatangkain ng Bullpups (6-1) na maulit ang naitalang 78-62 panalo noong first round para tumatag sa No. 1 spot sa pagtutuos nila ganap na 3:00 ng hapon.

Mauuna rito, magsasagupa ang Far Eastern University-Diliman at Adamson na kasalukuyang kasalo ng Ateneo sa ikalawang ouwesto taglay ang markang 5-2 ganap na 11:00 ng umaga.

Sa iba pang mga laro, magtatapat ang University of Santo Tomas (3-4) at University of the East (1-6) sa pambungad na laro ganap na 9:00 ng umaga habang magtutunggali naman ang De La Salle-Zobel (3-4) at University of the Philippines Integrated School (0-7) sa ikatlong laro ganap na 1:00 ng hapon.

-Marivic Awitan