2 sa ‘gun-for-hire’ utas sa CIDG

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Dalawang umano’y miyembro ng ‘gun-for-hire’ group a g napatay ng mga awtoridad sa isang engkuwentro sa Sitio Balaywak, Barangay Pug-os, Cabugao, Ilocos Sur, kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Suero General Hospital sa Cabugao, Ilocos Sur ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa rekord ng Ilocos Sur Police, ang dalawa ay remnants ng Benzon-Alviento group mna nag-o-operate sa lalawigan.

Sa report, kasalukuyang binabantayan ng mga tauhan ng

Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Ilocos Sur, Highway Patrol Group (HPG) at ng Cabugao Police ang inilatag nilang checkpoint sa Sitio Balaywak, Bgy. Pug-os, Cabugao, nang maganap ang insidente, dakomng 9:45 ng gabi.

Bigla na lamang umanong pinaputukan ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo, ang mga awtoridad na nagresulta sa sagupaan na ikinasawi ng mga ito.

-Liezle Basa Iñigo