Pumalyang barko ng 15 dayuhan, ininspeksiyon

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

BOLINAO, Pangasinan – Agad na nag-inspeksiyon kahapon si Mayor Arnold Celeste, kasama ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Philippine Coast Guard (PCG), Maritime, Philippine National Police (PNP) at Bantay Dagat, nang mamataan ang isang foreign cargo vessel sa Barangay Dewey.

RELATED WITH 4TH STORY

Pinangunahan ni Celeste ang pag-inspeksiyon sa PANAMA Honor vessel, na pag-aari ng isang Alex Chua, Chinese.

Sa imbestigasyon, lumilitaw na ang vessel ay nasiraan ng makina at naglalaman ng 3,036 metric tons o 60,000 cavan ng bigas na dadalhin sa La Union at idi-deliver sa consignee na taga-San Quintin, Pangasinan.

Karamihan sa mga dayuhan ay mula sa China, Vietnam, Mayanmar at Indonesia, na nakisama sa inspeksiyon.

Inalalayan din ng mga dayuhan ang mga awtoridad na bumaba sa nasabing vessel matapos ang inspeksiyon.

-Liezle Basa Iñigo