Portland, Sacramento at Lakers, wagi sa kanilang mga laro sa pagpapatuloy ng bakbakan sa NBA

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

PORTLAND, Ore. (AP) — Binalikat ni Jusuf Nurkic sa pamamgitan ng kanyang 20 points para sa kanyang ikaapat na sunod na laro ang panalo ng Portland Trail Blazers kontra New York Knicks 111-101 kahapon, (Lunes ng gabi sa US).

nba

Nagdagdag ng 17 puintos si Damian Lillard na may kasamang nine assists para sa Portland, na may nagwagi na ng 4-of-5, habang si CJ McCollum ay may 17 puntos naman.

Bagama’t may 18 puntos si Enes Kanter at 14 rebounds hindi naman ito naging sapat para makabawi ang Knicks, na may 9-of-10.

Unang bahagi pa lamang ng laro ay hindi na umubra ang Konicks sa Portland kung saan ay itinakbo na nag 18 puntos na kalamangan buhat sa 54-53 kalamngan sa halftime.

Sinimulan ni Jake Layman ang ratsada ng Portland sa second half at tulkuyang inuwi ang panalo para sa koponan.

SACRAMENTO, Calif. (AP) — Sa Sacramento sumandal sa 20 puntos ni De’Aaron Fox ang Sacramento Kings tapusin ang four-game losing streak matapos na gapiin ang Orlando Magic, 111-95.

Nagbigay ng kanyang 15 puntos si Bogdan Bogdanovic na may kasamang pitong assists,bukod pa sa 13 puntos ni Buddy Hield para sa Kings.

Tumira naman ng tatlong three-pointers si Terrence Ross para sa 20 puntos at 18 puntos buhat naman kay Nikola Vucevic para sa Orlando ngunit determinado ang Kings na kunin ang panalo.

Isang turnover buhat sa Orlando ang siyang nagbigay ng pagkakataon para kay Fox na kunin ang fast break at idunk angbola npara sa 25 puntos na kalamngan ng Kings sa huling bahagi ng third.

Buhat dito ay hindi nakaahon ang Magic at nagpadomina na sa kalabang Kings.

DALLAS (AP) — Sa Dallas, si Brandon Ingram naman ang naging bayani ng Lakers upang hiyain ang Dallas Mavericks sa tahanan nito, 107-97.

Ito ang ikalawang panalo ng Lakers sa pitong laro buhat ng mawala si LeBron James sanhi ng strained groin noong araw ng Pasko.

Dinomina ng Los Angeles ang kabuuan ng laban kontra Mavericks at tuluyang sinilo ang kalaban sa pamamgitan ng mabilis na pagtakbo kung saan isang 13-4 run bago matapos ang labanan.

Buhat dito ay hindi nalumingon ang Lakers upang isara ang nasabing laro sa double digit na kalamangan.