Elisse at McCoy, halatang may pagtatangi pa sa isa’t isa

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

DATI nang malabo ang relasyon na lalo pang lumabo dahil hindi na nagkaroon ng maayos na komunikasyon sina McCoy de Leon at Elisse Joson simula nang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan sa Star Magic Ball last year.

McCoy at Elisse (PAKIGAMIT PO) copy

Ito ang nalaman namin sa interview namin sa dalawa sa presscon ng Sakaling Maging Tayo, unang pelikulang pinagbibidahan ng love team nila.

Hindi malinaw ang pagiging magkasintahan nila, na “parang kami na” ang description nila.

Tuluyan nang nagkahiwalay ang McLisse, dahil ayon sa spy namin sa ABS-CBN, may bago nang lalaking malapit si Elisse.

Pero na-appreciate ng entertainment writers na dumalo sa presscon ang honesty ng dating lovers.

Pareho silang umamin na kung magkakaroon ng second chance ang relasyon nila, sisiguraduhin na nilang masaya sila sa piling ng isa’t isa.

Hayun, hinayang na hinayang ang lahat dahil mukhang may mga puwersa lang na hindi nila nakontrol kaya naudlot ang love story nila sa tunay na buhay.

Ramdam pa ang dating pagtatangi nina Elisse at McCoy sa isa’t isa, pero iba na ang sitwasyon nila. Nagbabago a n g kalagayan sa panlabas na mundo, pero ang mundo sa loob ng p u s o , may dating damdamin pa ring natitira at hindi naiba.

O, hugot ‘yan, hahahaha! Pasensiya na po, nakakahawa kasi ang McLisse!

Sa istorya ng Sakaling Maging Tayo, first year college sina Pol (McCoy) at Laya (Elisse), na “hindi sinasadyang nagkakilala” noong huling araw nila sa school sa Baguio City. Babalik na ng Manila si Laya para makalimot sa bigong pag-ibig at dadalo naman si Pol para magpakasaya sa isang music festival.

Na s aks ihan ni Pol ang breakdown ni Laya at naisipang pasayahin

ito at bigyan ng masayang alaala sa huling gabi nito sa Baguio.

Pagkakataon na rin ni Pol na makapiling ang dalaga na matagal na niyang hinahangaan mula sa malayo.

K u n g s a k a l i n g maging “sila”, ito ang isasalaysay ng bagets pang direktor na si JP Habac. Sa January 16 na ang playdate ng pinakabagong Black Sheep movie.

-DINDO M. BALARES

  • sulhini

    Wow at si Elisse pa talaga ang may bagong lalake? Kung meron man at least in-entertain nya nung break na sila ni Mccoy. So nothing wrong with that!

    FYI, si Mccoy na akala nyong Santo, last year pa lang, nahuli na nakikipagkita
    sa ibat-ibang girls na naka chat nya online, kasama na dun ang isang gamer na gf ngayon ng isang lalake na pilit na ni li-link kay Elisse dati. Ilang beses na syang nahuli kaya napuno na ang isa at nakipag break. Kaya hindi na sya gusto ng mga kaibigan at relatives ni girl dahil wala na silang tiwala kay guy. Ilang beses sya pinaglaban at ilang beses nya pa rin niloko. So please be careful sa mga sinusulat ninyo dahil wala kayong alam.

    Ngayon, si Miles Ocampo na naman ang pinapa kilig ni Mccoy.