Chris Tiu tuluyan nang nagretiro

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

Tuluyan na nga na nagbitiw bilang basketball player ang kilalang guard ng Rain or Shine na si Chris Tiu.

Chris-

Sa pamamgitan ng kanyang twitter account, ipinahayag ng 33 anyos na si Tiu ang kanyang pagreretiro bilang basketball player.

“My heartfelt gratitude to every person who has been part of my basketball journey!! Most especially to our Lord who makes all things possible. It’s now time to move on. My heart is full. #17 signing off.” Pahayg ni tiu sa kanyang Twitter account.

Si Tiu ay napili bilang ikapitong draft pick noong 2012 PBA Rookie Draft, kung saan ay naglaro siya ng mahabang panahon sa Elasto Painters at nakakuha ng championship crown noong 2016 Commissioner’s Cup.

Inalok pa ng dalawang taong kontrata muli ng Rain or Shine si tiu, ngunit tinanggihan niya ito upang ituon nalamang ang pansin sa mga negosyo ng kanilang pamilya.