Bataan Risers pinatob ang Zamboanga

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

Isang 14-3 run sa fourth period sinandalan ng tropa ng Bataaan upang paluhurin ang Zamboanga-Family’s Brand Sardines, 76-74, sa MPBL Datu Cup na ginanap sa People’s Center sa Balanga.

Sina Yvan Ludovice, Byron Villarias at Gab Dagangon ang nagtuwang upang painitin ang fourth quarter na may 72-66 para sa Bataan sa huling 3:07.

Nalusutan ng bataan ang huling shot ni Robin Roño para sa Zamboanga upang makamarka ng panalo sa sa 16-2 rekord at manatiling tangan ang liuderato sa northern division.

Isang magandang panalo ito para sa Risers, lalo na sa nagbabalik na si coach Joel Banal, na kasama sa dating coaching staff ni coach Jojo Lastimosa.

“Their father (Jolas) had to take a leave, so I have to take over and act as the guardian, but I love the challenge. Of course, I got a lot of help from the other members of the coaching staff, who guided me as well,” panahayag ni Banal.

Samantala, tinalo naman ng Manila ang Rizal, 71-70.

Sumandal ang Stars sa kanilang beterano na sina Marvin Hayes at Riel Cervantes para manaig sa kalaban.