NCAA volleyball Arellano iginupo ang EAC

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

Pormal na inangkin ng Arellano University ang unang Final Four berth sa women’s division matapos walisin ang Emilio Aguinaldo College,25-19, 25-11, 25-8, kahapon sa pagpapatuloy ng NCAA Season 94 volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Ang panalo ang ikapitong sunod ng Lady Chiefs sa loob din ng pitong laro na nagsulong sa kanila bilang unang koponan sa semifinals.

Nanatili namang winless ang Lady Generals, kabaligtaran ng Lady Chiefs matapos ang pitong laro.

Nag-iisang umiskor ng double digit sa laro at nanguna sa nasabing panalo ng Arellano si Regine Arocha na nagposte ng 14 puntos bukod pa sa 11 digs.

Nauna rito, wagi din ang Arellano Chiefs kontra EAC Generals makaraang ungusan ang huli sa loob ng limang sets, 25-13, 25-18, 27-29, 25-15, 16-14.

Nasayang ang game high na tig-23 puntos ng magtokayong Joshua Mina at Joshua Ramilo dahil bigo silang isalba sa kabiguan ang EAC.

Nakaiwas naman sa shuout ang EAC sa pamamagitan ng straight sets na paggapi ng Brigadiers sa Braves, 25-14, 25-20, 25-19 sa pangunguna ni Joshua Conveto na nagposte ng 18 puntos.

-Marivic Awitan