NU spikers, may bagong coach

Filed under Volleyball Balita RSS RSS Feed

MULING nagpalit ng head coach para sa kanilang women’s volleyball team ang National University.

Dahil na rin sa kabiguan ng Lady Bulldogs sa kanilang kampanya noong nakaraang Season 80 na makaabot man lamang ng finals, kumuha sila ng bagong mentor upang gabayan ang koponan ngayong Season 81 na pormal na magsisimula sa susunod na buwan.

Ayon sa ilang insiders, kinuha ng NU bilang bagong women’s volleyball coach si Norman Miguel.

Si Miguel na siyang head coach ng De La Salle University Green Spikers noong nakaraang taon ay magsisilbing panglimang coach ng Lady Bulldogs.

Pinalitan niya ang pang-apat at dating coach na si Babes Castillo na sinibak na rin bilang coach ng NU girls volleyball squad.

Nakapagtala sya ng markang 5-9, panalo-talo sa nakaraang taong paggabay nya sa DLSU.

Noong Season 80, matapos magtala ng kanilang best start na 6-1(panalo-talo) sa first round, kabaligtaran ang naging record nila sa second round. Gayunman, umabot pa rin sila sa semis bilang no.4 seed.

Maliban sa nasabing disaster na performance, tinanggal din ni Castillo sa koponan ang mga beteranong players na sina Jasmine Nabor at Jorelle Singh.

Dahil dito, inaasahang magsisimula ang bagong coach na si Miguel ng pagbubuo ng isa ring bago at batang team ngayong season.

-Marivic Awitan