‘Tulak’ tumimbuwang

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

CAMP MACABULOS, Tarlac City – Tumimbuwang ang isang umano’y drug pusher sa buy bust operation sa Irrigation Road, Barangay Carangian, Tarlac City, kamakailan.

Ayon kay sa imbestigador na si SPO1 Jeffrey Alcantara, nasawi si Michael Capili, nasa hustong gulang ng nasabing barangay, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat, binentahan ng suspek ang isang police poseur-buyer ngunit nakahalata ito na pulis ang kanyang katransaksyon.

Binaril umano nito ang grupo ng arresting officer at ang bumulagta ito nang makipagbarilan sa kanya ang mga awtoridad.

Nakarekober sa crime scene ang isang caliber .38 revolver na may tatlong bala, tatlong basyo ng bala, apat na transparent plastic sachets na naglalaman ng shabu at motorsiklong ginagamit nito sa pagbebenta ng illegal drugs.

-Leandro Alborote