Ryza, break na kay Pocholo

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

BREAK na pala sina Ryza Cenon at Pocholo Barretto. Kaya nalamang hiwalay na ang dalawa dahil in-unfollow na nila ang isa’t isa sa Instagram.

Ryza at Pocholo copy

Ito ang bagong uso to break-up with a boyfriend or a girlfriend, i-unfollow siya sa social media. Kahit hindi ka na magkumpirma pa, alam na ng buong bayan na break na kayo.

Sa kaso ni Ryza, malalaman ding break na sila ni Pocholo dahil deleted na ang photos ni Pocholo sa kanyang IG. Puro na lang photos ni Ryza ang makikita sa feed niya, kasama ang ibang artista, minus Pocholo.

In fairness kay Pocholo, hindi pa niya dine-delete ang pictures nila ni Ryza sa IG niya. ‘Yung nga lang, puro old pictures ang nakalagay.

Two years lang tumagal ang relasyon nina Ryza at Pocholo, pero intense ‘yun. May mga tsika pa ngang si Pocholo ang isa sa mga kumumbinse kay Ryza na umalis sa GMA-7, at lumipat sa Viva Films.

May post si Ryza: “Thank you God for everything in my life. The good and the bad. Some were blessings and some were lessons.”

Anyway, may love problem man si Ryza o kung loveless man siya, maganda naman ang takbo ng career niya. Kasama siya sa hit 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles, at kasama rin siya sa cast ng ABS-CBN primetime soap na The General’s Daughter

-NITZ MIRALLES