Robin, gaganap na Gen. Bato sa pelikula

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ANG dami kaagad nag-like at patuloy na tumataas ang views nang i-post ni Robin Padilla ang trailer ng pelikulang tungkol kay dating Philippine National Police (PNP) Chief at dating Bureau of Corrections (BuCor) Director Ronald “Bato” dela Rosa.

Robin Padilla copy

Maaaksiyon ang mga eksenang ipinakita sa trailer ng movie na ‘tila “BATO” ang magiging title, at sa 2019 na ang showing nito, bago ang midterm elections.

Kandidato sa pagkasenador si Bato dela Rosa, kaya bago ang eleksiyon sa May 13 ay dapat nang maipalabas ang pelikula or else maaakusahan ang dating PNP Chief na gagamitin niya ang pelikula sa kampanya.

Naitago ang shooting ng BATO. Wala tayong nabalitaan na nagsu-shooting si Robin, o baka kami lang ang hindi nakakaalam. Wala ngang binanggit na detalye si Robin, gaya ng kung sino ang direktor at kung sino ang iba pang cast.

Maikli ang caption ni Robin: “Ito na ang hinihintay ninyong aksiyon!”

Na-excite naman ang fans ng aktor dahil finally, mapapanood siya uli sa isang action movie. Sa sobrang excited ng fans ni Robin, may nagdeklara na babalik na ang action films, dahil kay Robin at sa bago niyang pelikula.

-NITZ MIRALLES