Martin del Rosario, gandang Dawn Zulueta sa ‘Born Beautiful’

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NAGANDAHAN ang netizens na nakakita na ng official poster ng pelikulang Born Beautiful na pinagbibidahan ni Martin del Rosario.

Martin del Rosario copy

Ang ganda ng poster at ang gandang babae ni Martin, may nag-comment pa nga na may hawig siya kay Dawn Zulueta.

Sa direksiyon ni Perci Intalan, showing ang Born Beautiful sa January 23, 2019. At ang naaalala namin, nabanggit ni Direk Perci na after ng theatrical run, ipalalabas sa Cignal TV ang pelikula.

Mae-excite rin nito ang moviegoers dahil magkakaroon ng Director’s Cut showing ang Born Beautiful sa UP Film Center Cine Adarna. Ibig sabihin, walang cut at lahat ng eksenang kinunan ni Direk Perci ay mapapanood.

Also, noong December 28 ay nagkaroon ng restricted trailer launch ang Born Beautiful sa Cinema Bravo.

Kasama rin sa Born Beautiful si Kiko Matos at may special participation si Paolo Ballesteros.

-Nitz Miralles