Kapuso Countdown to 2019, pangungunahan ni Alden

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SASALUBUNGIN ng GMA Network ang 2019 sa isang musical-variety themed New Year Countdown special sa SM Mall of Asia (MOA) Seaside Boulevard sa Lunes ng gabi.

Alden Richards

Siksik sa musika, kasiyahan at performances ang pamamaalam ng Kapuso network sa 2018, na pangungunahan nina Kris Bernal, Andrea Torres, Betong Sumaya, Joyce Pring, Arra San Agustin, at ang Pambansang Bae na si Alden Richards.

Bandang 10:30 ng gabi magsisimula ang countdown special, na tatampukan ng pagtatanghal nina Christian Bautista, Julie Anne San Jose, Mark Bautista, Glaiza de Castro, Yasmien Kurdi, Katrina Halili, Rocco Nacino, Derrick Monasterio, Ken Chan, Sanya Lopez, Kyline Alcantara, Thea Tolentino, Jeric Gonzales, at Jak Roberto.

Kumpleto, siyempre, sa entertainment handog nina Super Tekla at Donita Nose, aka DonEkla.

World-class naman ang performances na ipakikita ng The Clash grand champion na si Golden Cañedo, kasama ang finalists na sina Jong Madaliday, Garrett Bolden, at Josh Adornado. Kasama rin nila si Nar Cabico, ang One Up, at ang The Clash graduates na sina Kyryll Ugdiman, Anthony Rosaldo, Mika Gorospe, Esterlina Olmedo, Melbelline Caluag, Danielle Ozaraga, Muriel Lomadilla, Lyra Micolob, Psalms David, RJ Buena, JL Toreliza, at Lowell Jumalon.

Bibida rin sa pagsalubong sa mga unang minuto ng 2019 ang world-class fireworks display ng SM MOA at GMA-7, habang tiniyak naman ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Pasay City Police ang seguridad ng mga dadalo sa event.

Masisilip sa www.gmanetwork.com ang kumpletong listahan ng mga security policies sa New Year countdown special ng GMA-7.

-Nora V. Calderon