Bianca, malalim ang sinisisid para sa bagong serye

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

WALANG time na sinayang si Bianca Umali simula nang ibigay sa kanya ng GMA Network ang role ni Sahaya, a young Badjao woman na nagtagumpay sa kabila ng maraming pagsubok na pinagdaanan.

Bianca Umali

Paano naghanda si Bianca para sa role niya?

“Una po, nagbasa muna ako ng tungkol sa mga Badjao,” sagot ni Bianca. “Kasi, sa story, umalis man ako sa lugar namin. Throughout my journey as Sahaya, hindi ko tinalikuran ang culture and beliefs ko as a Badjao, even defying the power of love.

“Isinunod ko na po ang pag-aaral ng scuba-diving. Marunong naman po ako, hindi ako takot sa tubig pero iba ang gagawin ko rito dahil sisisid ako talaga sa malalim na dagat. Isa po iyon sa katangian ng isang Badjao.

“Pinag-aralan ko rin kung paano makatagal sa tubig na walang gamit na gadgets. Kailangan ang lung exercise. Kaya po ang dami kong natutunan sa paghahanda pa lamang ng Sahaya.”

Muling magtatambal ang isa sa hottest and unbeatable love teams sa GMA-7, sina Bianca at Miguel Tanfelix, na gaganap din bilang isang Badjao. Muli nilang ipakikita sa mga televiewers ang kanilang onscreen chemistry na nasaksihan sa lahat ng teleserye nilang pinagtambalan, na ang pinakahuli ay ang Kambal Karibal.

Magiging ka-love triangle nila si Migo Adecer. Nagsimula na silang mag-taping ng serye na mapapanood na sa primetime block ng GMA 7 sa February, 2019.

-NORA V. CALDERON