Aktor, asang-asang magkaka-award ang MMFF entry

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

KUWENTO mismo ng mga dumalo sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal nitong Huwebes na asang-asa raw ang isang kilalang aktor na makakakuha ng anumang award ang pelikula nila, dahil nagandahan daw ang mga kakilala niya sa pelikula nila matapos na mapanood ito.

Mabuti na lang at wala kami sa Gabi ng Parangal, dahil baka nasagot namin ang kilalang aktor ng, “Mga kakilala niya, siyempre paplastikin siyang maganda ang pelikula nila! Eh, paano ‘yung mga hindi namin kilalang nanood na dinig na dinig namin ang komentong nanghihinayang sila sa ibinayad nila dahil naloko raw sila.”

Bukod do’n hindi rin kagandahan ang reviews na nabasa namin, at higit sa lahat, walang masyadong taong nanonood nang pasukin namin ang sinehan.

Anyway, huwag nang malungkot ang kilalang aktor na walang naiuwing award ang pelikula nila. Dahil sa walong entries ay tatlong pelikula lang ang humakot ng awards. Sa madaling salita, limang pelikula ang walang napanalunan. Ang pagkakaiba lang, malakas ang apat na pelikula, at nagkataon na ang pelikula ng kilalang aktor ay mahina sa takilya.

Ganito na lang Ateng Jet, kung papanoorin mo ang pelikulang ito, na ibubulong ko sa ‘yo, huwag ka na lang mag-expect.

-Reggee Bonoan