Kilalang aktor, flop ang magkasunod na pelikula

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

“HINDI siya namimili ng role kasi kailangan niya ng pera, kaya go lang nang go kapag may offer.”Ito ang tsika sa amin ng taong isa sa namamahala ng career ngayon ng kilalang aktor.

Ang kilalang aktor ay napuri kamakailan sa karakter na ginampanan niya sa teleserye, dahil ang husay niya, na totoo naman. Sa katunayan, dahil sa seryeng ito ay dumami ang movie offers niya.

Walang tinanggihan ang aktor, sabi ng isa sa taong namamahala sa career niya, at pilit na inayos ang schedules para mapagbigyan lahat.

“Hindi na nga natutulog. Sa sasakyan na lang natutulog kasi segue-segue. May isang pelikula nga na hindi na kinaya pero gustung-gusto niya kasi ang ganda ng role, so namili na lang siya sa magkasabay na schedule,”kuwento pa ng kausap namin.

Ang kaso, ang napiling pelikula ng kilalang aktor ay hindi maganda ang resulta sa takilya.

“Wala kasing kuwento, wala lang,”pag-amin sa amin.

Samantalang ‘yung hindi napili ay kumita at pinuri-puri ang kuwento at isinali na sa international film festivals.

At heto, may pelikula ulit si kilalang aktor.

“Hayan, mas gusto niya ‘yan kaysa do’n sa isa pang inalok. Kasi naman ‘yung unang offer wala pang schedules kung kailan ang shoot pero sure na siya (kilalang aktor) ang bida.

“Itong tinanggap niya ngayon napanood namin pareho, pareho kaming walang kibo kasi hindi niya rin gusto ang resulta. Ewan ko, sinabihan ko naman na ‘wag tanggapin. Gusto niya, eh, ‘di sige,”

Balik-tanong naming, nagsisisi ba ang kilalang aktor sa huling pelikulang ginawa niya?

“Oo,” mabilis na sagot sa amin.

Eh hayaan na, at least may pandagdag siya sa planong pampagawa ng bahay.

‘Yun nga lang, nakakaapekto sa career ng aktor ang sunud-sunod na flop na pelikula.

-Reggee Bonoan