BVR December Open Celebrity match

Filed under Volleyball Balita RSS RSS Feed

MINSAN lang nagtagpo sa beach volleyball court sina top spiker Alyssa Valdez at cage star Kiefer Ravena. Ngunit, tila matagal na silang magkasangga.

NAKIISA sina volleyball star Alyssa Valdez, Charo Soriano, John Vic de Guzman at Kiefer Ravena sa charity event ng BVR Tour.

NAKIISA sina volleyball star Alyssa Valdez, Charo Soriano, John Vic de Guzman at Kiefer Ravena sa charity event ng BVR Tour.

“One for the books! So proud of you @kieferravena!,” pahayag ni Valdez sa kanyang Twitter account matapos manalo ang tambalan nila ni Ravena kontra kina Charo Soriano at John Vic de Guzman, 23-21, sa celebrity match fund raising event ng Beach Volleyball Republic On Tour December Open 2018: A Christmas Rally kamakailan sa Sands SM By The Bay.

Tulad ng inaasahan, maaksiyon at kapana-panabik ang tagpo at bawat sandali ang masayang tagpo para sa mga tagahanga ng beach volleyball.

Ayon kay Soriano, isa sa founer ng BVR, ang celebrity match ay paraan para makapaghatid ng saya sa mga sports fans at makalikom ng pondo para maiambag sa tulong na ipadadala sa Mindanao State University-Marawi College of Sports, Physical Education and Recreation Academy.

“It’s been an honour being able to play the game that we love and at the same time being able to help our young brothers and sisters in Marawi,” pahayag ni Soriano, kampeon sa dalawang leg ng BVR kasama si Bea Tan.

“With the help of all those who supported, the CSPEAR Sports Academy of MSU-Marawi will be able to teach more and more kids so that these children’s lives will be filled with laughter instead of anger, love instead of hate, and hope instead of fear. That, for me, is the true value of sports,” aniya.