Movie projects ng batang aktor, hinaharang ng handler?

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MA Y bahid ng inggit ang pagkakabanggi t ng isang kilalang batang aktor, na miyembro ng isang grupo, sa kasamahan nitong aktor din: “Buti ka pa may pelikulang ginagawa ngayon, ako wala.”

Sagot ng aktor na kasamahan n i y a s a g r u p o : “Oo n g a , eh. Buti napasama ako, kaya nagpapasalamat ako.”

Ang kilalang batang aktor ay may kasalukuyang umeereng serye na suporta ang karakter niya, at matagal na pala niyang gustong magkaroon ng pelikula, dahil ‘yung nagawa niyang pelikula na kasama ang dating k a – l ove t e am ay hindi pa rin naipapalabas.

Ito rin ang binanggit ng kilalang batang aktor sa handler niya na gusto niyang magkaroon ng pelikula sa mainstream.

May mga inquiry sa kilalang batang aktor na mapasama sa pelikula pero ang laging sagot daw ng handler: “Busy siya, maraming ginagawa.”

Ang tanong, alam ba ito ng kilalang batang aktor na “busy siya at marami siyang ginagawa”?

Ayon naman s a t a g a – production, hindi naman laging kasama sa taping ng serye ang kilalang batang aktor, kaya puwede naman itong rumaket.

Nakahihinayang lang na may mga araw palang walang ginagawa ang kilalang batang aktor, na puwedeng mag-shoot ng pelikula.

Breadwinner ang kilalang batang aktor kaya kailangan niyang kumayod nang kumayod habang bata pa siya at may mga offers.

-Reggee Bonoan