F2 Logistics, diskaril sa Blaze

Filed under Volleyball Balita RSS RSS Feed

NALUSUTAN ng Petron ang matikas na pakikihamok ng F2 Logistics, 25-22, 26-24, 25- 23, para angkinin ang Philippine Super Liga (PSL) All-Filipino Conference crown nitong Huwebes sa The Arena sa Dan Juan.

BEST SPIKERS! Ibinida nina (mula sa kaliwa) Milena Alessandrini ng UST; Mary Anne Mendez ng UE; Aieshalaine Gannaban ng UP; Christine Francisco ng UST; Diana Mae Carlos ng UP; Laiza Bendong ng UE, Ejiya Laure ng UST at Kathleen Arado ng UE, ang mga tropeo bilang pagkilala sa indibidwal na galing sa katatapos na collegiate division ng Philippine Super Liga. (RIO DELUVIO)

Hataw sina Aiza Maizo-Pontillas at Bernadeth Pons sa Petron, nagwagi ng ikaapat na titulo, sapat para tanghaling winningest team sa liga.

Tumapos ang best opposite spiker na si Maizo-Pontillas ng 13 puntos, habang tumipa sina Pons ng 11 markers, at naitala ni Most Valuable Player Rhea Dimaculangan ang 31 sa 53 excellent sets.

“Marami kaming pinagdaanan, ‘yung sweep kasi hindi ko iniisip ‘yun kasi hindi siya madali sa conference na ‘to,” pahayag ni Petron coach Shaq delos Santos.

Nakamit din ng Blaze Spikers ang korona sa 2015 AFC via a 13-0 season sweep kasunod ang panalo ng Pinay sa 2017 AFC championship at 2018 Grand Prix.

Nakamit ng Petron ang Game One, 23-25, 11-25, 17-25, habang nakabawi ang F2 Logistics sa 21-25, 25-19, 25-20, 25-17 panalo sa Game Two. “Syempre nagkaroon ng magandang result ‘yung pinaghirapan naming lahat,” aniya. “Nakaka-proud kasi hindi sila mahirap kausap, kung ano ‘yung gusto namin [coaching staff] mangyari] doon din sila,” aniya.

Kumana sina Team captain Cha Cruz- Behag at Ara Galang na may 16 nineach at 19 markers, ayon sa pagkakasunod.