Kasalang Richard at Sarah, na-postpone uli

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

MAGANDANG regalo para kay Richard Gutierrez ang pagkakaroon ng entry sa Manila Film Festival kasama sina Dingdong Dantes at Vice Ganda, ang Fantastica. Isa pa, sasalubungin ng aktor ang bagong taon nang may bagong TV series kasama sina Bea Alonzo at Ian Veneracion. Isa itong pambihirang star combination na marami ang nag-aabang. Idagdag na rin ang plano ng Star Cinema ng reunion movie nila ni Angel Locsin.

Sarah at Richard

Ang pagiging abala ni Richard ay sapat nang dahilan para i-reset ng engaged couple ang kanilang pagpapakasal next year. Ayon kay Sarah, hihintayin nilang makalakad ang kanilang second son para mapasama sa wedding entourage. Kagustuhan din ni Sarah ang huwag tumanggap ng offers para personal na pangasiwaan ang pagpapalaki sa kanilang dalawang anak ni Richard.

-Remy Umerez