Carino, hataw sa Vietnam race

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

SUMEGUNDA si Daniel Ven Carino sa 9th V-O-H Tour of IndoChina kamakailan sa Vietnam.

Suot ang uniporme ng Team NEX-CNN nakatawid si Carino kulang ng dalawang segundo sa likod ng top rider na si Phan Tuan Vu ng Vietnam sa kabuuan ng 190km race.

Umalagwa sa unang 10 kilometro ang dating pambato ng Philippine Navy Standard Insurance team at ng 7-11 team na si Carino kung hindi lamang naipit sa dalawang Vietnamese.

Gayunman, nakatapos pa rin ng ikalawang puwesto ang bagong pambato ng Go-for-gols team sa susunod na taon.

Dahil dito, nasa 24th place ngayon si Carino sa General Classifications sa naturang non UCI event.

Ikinalugod ni Go-for-gold chief Jeremy Go sa tagumpay ni Carino, bahagi ng cycling team na sinusuportahan ng sports program.

-Annie Abad