ONE Championship: Robin Catalan magbabalik sa ‘ETERNAL GLORY’

Filed under MMA, ONE Championship Balita RSS RSS Feed

Si Joshua “The Passion” Pacio ay di lang ang Filipino na magrerepresenta sa ONE: ETERNAL GLORY kung hindi pati si Robin “The Ilonggo” Catalan ay sasali sa ONE Strawweight World Champion at patuloy na itaas ang bandila n gating bansa.

Nakaplanong makalaban ni Catalan ang ONE Jakarta Flyweight Tournament Champion na si Stefer “The Lion” Rahardian sa isang three-round strawweight showdown sa main card ng nasabing laban na gaganapin sa Istora Senayan, Enero 19.

Ang 28 anyos na tiga Iloilo City ay sinimulan ang kanyang 2018 sa dalawang magkasunod na panalo kasama ang pagpapasuko niya kay Adrian “Papua Badboy” Mattheis sa second round ng ONE: BATTLE FOR THE HEAVENS nitong Hulyo.

Sa kabila nito, nabigo naman siyang tapsin ang taon sa isang panalo. Napasuko siya ng Japanese na si Hayato Suzuki sa second round ng ONE: KINGDOM OF HEROES nitong  Oktubre.

Matapos simulan ang kanyang takbo sa mixed  martial arts na may siyam  na sunod sunod  na  panalo, natapos ito nitong Hulyo nang mapunta sa unanimous decision ang laban niya kay Rene “The Challenger” Catalan sa ONE: REIGN OF KINGS.

Sumunod naman ay ang pagkatalo niya mula sa kamay ni Peng Xue Wen ng China sa ONE: CONQUEST OF HEROES.

Umaasa siyang matapos na ang sunod sunod niyang pagkatalo at gumagawa ng paraan upang makaangat sa strawweight division

Maraming pang laban para sa unang event ang ONE Championship sa 2019 at iaanunsiyo ito sa mga susunod na linggo.

ONE: ETERNAL GLORY ay pangungunahan ng ONE Strawweight World Championship clash sa pagitan ni Pacio at Suzuki.