Coseteng at Atienza, positibo sa PH Sports

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

SOUTHEAST Asian Games calendar sa 2019 at asahan ang silahis ng pag-asa para sa mga atletang Pinoy na naghahangad nang tagumpay sa mundo ng sports.

NAKIISA si dating MASCO chief at Asian Championship taekwondo gold medalist Ali Atienza (gitna) sa pagdiriwang ng mga miyembro at opisyal ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) ng Kapaskuhan sa National Press Club.

NAKIISA si dating MASCO chief at Asian Championship taekwondo gold medalist Ali Atienza (gitna) sa pagdiriwang ng mga miyembro at opisyal ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) ng Kapaskuhan sa National Press Club.

Kapwa positibo sina dating Sen. Nikki Coseteng at dating Manila Sports Council (MASCO) chairman Ali Atienza sa magandang bukas ng Philippine sports, higit at bahagi nang kanilang programa ang pagpapalawig ng sports sa komunidad at eskwelahan.

“Let’s hope the coming new year in sports will be good to all of us,” pahayag ni Coseteng sa pakikipagusap sa mga miyembro at opisyal ng irst Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) bago ang isinagawang Christmas Party ng asosasyon nitong Lunes sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

“If our top sports officials will do it right this time, we can have more achievers in all sports, like Jasmine Mojdeh and Marc Bryan Dula in swimming, next year,” sambit ni Coseteng. “Mas madami kayong magandang balitang sports na maisusulat.”

Iginiit ng dating mambabataw at educator na patuloy ang isinasagawang sports program sa pagmamay-aring Diliman College upang makatulong sa pagtuklas at pagdevelop nang mga batang may talento at galing sa sports tulad nina taekwondo star Japoy Lizardo at basketball stars sa pangangasiwa ni coach Rensy Bajar.

“In swimming, we hope to continue to make a splash in both local and international competitions thru the Philippine Swimming League (PSL) next year,” aniya.

Prioridad din ni Atienza, dating taekwondo champion at chairman ng Manila Youth Games sa panahon ng kanyang pangangasiwa sa Manila Sports Council (MASCO), ang pagpapaunlad ng character ng Manileno sa pamamagitan ng sports.

“Ibabalik natin ang sigla ng sports sa Manila. Ibabalik natin ang Manila Youth Games. Ibabalik natin ang iba’t ibang paligsahan sa ating lungsod,” pahayag ni Atienza, gold medalist sa 1994 Asian Championships sa Manila.

“Itutuloy natin ang sinimulan natin sa sports,” aniya.

Ang dating Presidential Adviser on Youth Affairs at tatakbong Copngressman sa 5th District of Manila sa susunod na taon.

Nakiisa at nakisaya rin sa selebrasyon sina Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda, Wrestling Association of the Philippines (WAP) president Alvin Aguilar, Pinoy Youth Dreamers (PYD) head Beaujing Acot, Philippine Swimming League (PSL) regional director Joan Mojdeh at NPC officials Paul Gutierrez, Lydia Bueno at Jun Mendoza.

-Annie Abad